^
Kaso ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 1,067,892, ayon sa DOH
Nakapila ang mga residenteng ng sa Old Balara, Quezon City sa Old Balara Elementary school sa pagpapatuloy ng COVID-19 vaccination program para sa A1 to A3 priority category Lunes, ika-3 ng Mayo, 2021
The STAR/Michael Varcas

Kaso ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 1,067,892, ayon sa DOH

(Philstar.com) - May 4, 2021 - 4:02pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,683 bagong infection ng coronavirus disease Martes, kung kaya nasa 1,067,892 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 1,067,892
  • nagpapagaling pa: 66,060, o 6.2% ng total infections
  • bagong recover: 9,028, dahilan para maging 984,210 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 97, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 17,622

Anong bago ngayong araw?

  • Kanina lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na naturukan ng unregistered Sinopharm COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi gamit ang compassionate special permit (CSP) na iginawad ng Food and Drug Administration sa Presidential Security Group Hospital.

  • Sinimulan na rin sa Parañaque City ang pagtuturok ng Sputnik V vaccines sa mga residenteng kabilang sa A1-A3 priority sectors. Nasa 2,000 katao roon ang target mabakunahan ngayong araw.

  • Sinabi naman ni Philippine Medical Association spokesperson Oscar Tinio kanina na pwedeng suspendihin o tuluyang tanggalan ng lisensya ang mga doktor na may kinalaman sa "ivermectin pantry" sa Quezon City kamakailan. Matatandaang kulang-kulang ang detalyeng inilagay ng ilang doktor nang magreseta ng unregistered drug laban sa COVID-19 matapos magpapirma ng "waiver" sa mga residente bilang parte ng CSP.

  • Muli namang nadagdagan ang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variants sa Pilipinas, ayon sa huling datos ng DOH, Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health:  B.1.1.7 (289); B.1.351 (380); at P.3 (siyam).

  • Dahil diyan, narito ang total COVID-19 "variant" cases sa Pilipinas, ayon sa biosurveillance report ng PGC: B.1.1.7 (948); B.1.351 (1,075); P.1 (dalawa); at P.3 (157).

  • Umabot na sa 152.53 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang halos 3.2 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with