_ngayon
^

Pagbili ng China PPEs vs gawang Pinoy, binira

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip suportahan ang gawang Pinoy ay mas pinili pa ng mga ahensya ng gobyerno na mag-import ng Personal Protective Equiptments (PPEs) na gawa sa China.

Sa House Resolution (HR) 1735, hinikayat ng Makabayan bloc solons ang Committee on Trade and Industry na imbestigahan ang procurement o pagbili ng pamahalaan ng mga imported PPEs na gawang China na umano’y pagmamaliit sa lokal na PPEs na dapat ay suportahan.

Ang China anila ay kilala na numero uno sa imitasyon ng mga produkto, mahina ang kalidad at may mga pagkakataon na mas matibay pa ang gawang Pinoy.

Bunga ng insidente, ayon sa Confederation of Wea­rable Exporters of the Philippines ay napilitan ang local garment industry na tanggalin sa trabaho ang 25,400 mula sa 120,000 manggagawa nito mula Hunyo hanggang Disyembre 2020.

Nabatid na 3,500 sa mga nawalan ng trabaho ay mula sa tatlong firms na gumagawa ng PPEs.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with