_ngayon
^
DOH nag-quarantine ng mga 'posibleng' dinapuan ng Indian COVID-19 variant
This scanning electron microscope image shows SARS-CoV-2 (yellow)—also known as 2019-nCoV, the virus that causes COVID-19—isolated from a patient in the U.S., emerging from the surface of cells (blue/pink) cultured in the lab. Image captured and colorized at NIAID's Rocky Mountain Laboratories (RML) in Hamilton, Montana.
Released/NIAID

DOH nag-quarantine ng mga 'posibleng' dinapuan ng Indian COVID-19 variant

James Relativo (Philstar.com) - May 3, 2021 - 3:10pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inoobersbahan nila ngayon ang ilang indibidwal na nagawawi kamakailan sa bansang India — lugar kung saan unang nadiskubre ang isang panibagong COVID-19 variant na kinatatakutan sa ngayon.

Hanggang ika-14 ng Mayo magpapatupad ng "travel ban" sa India matapos kumalat doon ang B.1.617 COVID-19 variant na sinasabing mas nakahahawa. India rin ang nakapagtatala ng may pinakamatataas na daily COVID-19 cases sa buong mundo nitong mga nakaraang araw.

"May mga dumating sa atin — katulad ng nabanggit namin sa inyo noong isang linggo — na merong mga pasaherong either [merong] touchpoint doon sa India, nag-pass through sila [roon] or galing sila talaga roon and they are currently quarantined," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

"So tinitingnan natin itong mga ito. Once may magpositive sa mga samples nila, we are going to subject this to the whole genome sequencing process."

Sa kabila niyan, wala pa rin naman daw natutukoy sa mga samples noong nakaraang linggo na nakikitaan ng nasabing variant: "Kaya nga po we are trying to strengthen our border control implementation para ma-avoid po natin itong mangyayari sa atin," dagdag ni Vergeire kanina.

Una nang sinabi ni Rontgene Solante, na nangunguna sa adult infectious diseases unit ng San Lazaro Hospital, na ilan lang ang mas nakahahawang B.1.617 at pagluluwag uli sa India ang mga dahilan kung bakit pumapalo uli ang mga kaso roon.

India rin sa ngayon ang ikalawa sa may pinakamataas na COVID-19 cases sa buong mundo sunod sa Estados Unidos sa bilang na 19,557,457, ayon sa World Health Organization (WHO).

OFWs mula India 'nalalapit' nang pauwiin

Sa kabila ng lahat ng ito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque kanina na hindi malayong pauwiin din ng Pilipinas ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit ngayon sa India kasabay ng bagong COVID-19 surge at mas nakahahawang variant — kahit may travel ban.

Gayunpaman, kailangan pa raw mag-antay ng ilang sandali bago ito gawin ng gobyerno.

"The right to return [in the Philippines] is a human right. Pero it is subject to police power," wika ni Roque sa isang virtual briefing.

"Ngayon, 'yung ating travel ban which applies equally to Filipinos, is a similar measure adopted by the Philippine Government... Pero siyempre po, mananaig pa rin po ang puso ng ating presidente para sa ating mga OFWs."

Nakikita ng tagapagsalita ni Pangulong Roque Duterte na "baka" payagan nang umuwi ang ilang OFWs malamang sa malamang ay isailalim daw sila sa istriktong 14-day quarantine, positibo man o negatibo sa COVID-19 swab tests.

17 bansa may B.1.617 variant

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng WHO na nasa 17 bansa na ang nakakakitaan ng B.1.617 COVID-19 variant sa buong mundo

"Most sequences were uploaded from India, the United Kingdom, USA and Singapore," sabi ng WHO noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, itinuturing pa lang itong "variant of interest" at hindi pa "variant of concern" gaya ng ilang mas nakahahawa COVID-19 mutations na unang nadiskubre sa South Africa, Brazil at United Kingdom.

Sabado lang nang bawiin ng Pilipinas ang pagpasok ng mga banyaga sa Pilipinas, maliban sa India.

DEPARTMENT OF HEALTH HARRY ROQUE INDIA NOVEL CORONAVIRUS OVERSEAS FILIPINO WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with