_ngayon
^

Bansa

Sagip Saka, Kaya Natin Movement at UP namahagi ng gulay sa community pantries

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang Sagip Saka Program ng tanggapan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Kaya Natin! Movement, at Sama-Sama, Tulong-Tulong ng University of the Philippines (UP) sa pamamahagi ng iba’t ibang klase ng gulay sa mga community pantry sa Quezon City.

Bumiyahe ang Sagip Saka sa Nueva Ecija para direktang bumili ng mga bagong aning gulay mula sa mga magsasaka sa lalawigan at ipinamahagi ang mga ito sa community pantry na tumutulong sa mahihirap.

Nagpasya ang tatlong grupo na direktang bumili ng ani mula sa mga magsasaka upang mabigyan sila ng pagkakataong kumita sa gitna ng nararanasang pandemya ng bansa.

Sa ganitong paraan, direktang mapupunta sa mga magsasaka ang kabuuang halaga ng kita na kanilang magagamit para sa pangangailangan ng pamilya, sa halip na dumaan pa sa middleman na nakababawas sa kanilang kabuhayan.

Ito ang layunin ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Law na iniakda ni Sen. Pangilinan at naisabatas noong Abril 2019. Inaatasan ng nasabing batas ang mga lokal na pamahalaan at mga pambansa at lokal na ahensiya ng gobyerno na direktang bumili mula sa mga accredited na kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa huling tala noong Nobyembre 30, 2020, nasa 443 lokal na pamahalaan na ang direktang bumibili ng ani at huli ng mga magsasaka at mangingisda. Ang kabuuang halaga ng binili mula sa mga magsasaka ay umakyat na sa P2.737 bilyon noong Nobyembre.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with