_ngayon
^

Duterte, may huling desisyon sa pagbubukas ng SY 2021-2022 - DepEd

(Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang pinal na petsa sa pagbubukas ng klase kahit nag-anunsiyo na ang Department of Education (DepEd) na sa Agosto 23, 2021 ang target date nila.

Binigyang diin ng DepEd na si Pangulong Rodrigo Duterte ang may huling desisyon sa pagbubukas ng School Year 2021-2022.

Ayon sa kagawaran, magmumungkahi sila ng mga pagpipiliang petsa para sa konsiderasyon ng Pangulo.

Isa ang pestang Agosto 23 sa mga opsyon dahil mandato ng DepEd na magbukas ng klase na hindi hihigit sa huling araw ng Agosto, batay sa nasabing batas maliban na lamang kung may ibang kautusan ang Pangulo.

Gayunman, magsasagawa pa rin ang kagawaran ng konsultasyon at pagsusuri sa polisiya kabilang ang stakeholders upang malaman ang pinaka-angkop na aksyon.

Sinabi ng DepEd na maglalabas sila ng opisyal na abiso para sa S.Y. 2021-2022 sa lalong madaling panahon.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with