^

Bansa

Mayor Vico sa gumagamit ng ivermectin vs COVID-19: 'Conspiracy theories' iwasan

James Relativo - Philstar.com
Mayor Vico sa gumagamit ng ivermectin vs COVID-19: 'Conspiracy theories' iwasan
Kuha kay Pasig City Mayor Vico Sotto habang nagbababala sa mga "conspiracy theories" pagdating sa paggamit ng ivermectin laban sa COVID-19, ika-30 ng Abril, 2021
Video grab mula sa media forum ng Department of Health

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng ilang alkalde ang publiko sa basta-bastang paggamit ng ivermectin laban sa COVID-19, lalo na't hindi pa raw sapat ang mga patunay para masabing epektibo ito sa pagpuksa ng nakamamatay na virus.

Ito ang ipinaalala ni Pasig Mayor Vico Sotto isang araw matapos mumudmod ng unregistered ivermectin ng dalawang mambabatas sa Quezon City kahit kulang-kulang ang mga reseta ng ilang pasyente, sa isang gamot na 'di pa tiyak kung ligtas sa tao't mabisa laban sa COVID-19.

"Ang payo ko lang... [r]elax-relax lang po tayo sa mga conspiracy theory. Alam niyo, 'yung mga gamot na tine-take natin, 'yung mga pine-prescribe, dumadaan 'yan sa matinding proseso. Hindi 'yan basta-basta," ani Sotto, Miyerkules, sa virtual briefing ng Department of Health.

"Just because there is a little bit of positive news, or a little bit of possibility or may nakitang kaonting scientific basis, hindi 'yon sapat para sabihing 'Okay iyan, pwede na iyan.' Hindi tayo doktor. Hindi tayo medical expert. Makinig tayo sa mga doktor."

Bago namigay ng gamot at reseta kahapon sa QC, pinapirma muna ng "waiver" sa mga benepisyaryo, para "walang pananagutan" ang namamahagi nito oras na may mangyaring masama. Gayunpaman, naninindigan si Anakalusugan Rep. Mike Defensor, na isa sa mga nag-organisa ng "ivermectin pantry," na informed consent lang 'yon. 

'Gagawan ng imbestigasyon'

Muling ipinaalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina na "wala pang sapat na ebidensya" para irekomenda ng Department of Health ang ito bilang lunas o pananaggalang sa COVID-19. Kahit ang makers ng drug, sinabing walang scientific basis na gamitin ito sa virus.

"Gagawan po natin ng mga imbestigasyon kung kinakailangan, at ito naman pong nangyari kahapon... as long as it is from a compounding pharmacy, and as long as there are doctors prescribing it, and it is part of the process... let's leave it as that," ani Vergeire, habang inililinaw na dapat kumpleto ang detalye sa reseta ng isang gamot.

Una nang sinabi ng DOH at Food and Drug Administration na baka makasama sa tao ang ivermectin lalo na't rehistrado lang ito para sa hayop o pampahid sa balat ng tao para sa ilang skin conditions. Ang ibinibigay nina Defensor ay "human grade" ivermectin capsules.

Kung walang compassionate spacial permit o certificate of product registration, labag sa Republic Act 9711 ang paggamit, pagbebenta, pagmamahagi, atbp. ng unregistered drugs, bagay na pwedeng ikakulong ng 10 taon, maliban sa P500,000 multa.

Taguig susunod sa utos ng health experts

Tiniyak naman ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa parehong briefing na hindi rin ieendorso ng kanilang lungsod ang paggamit ng ivermectin laban sa COVID-19, at tatalima lang daw sa kung ano ang sasabihin ng medical experts.

"Sa ngayon ho, kahit anong gamot ho, nakikinig kaming mga mayor sa mga doktor at mga eksperto po namin. In terms of how the [local government units] feel about ivermectin, I'm sure lahat ho kami may personal na opinyon," ani Cayetano.

"'Pag dumating ho ang panahon na inaprubahan 'yan ng FDA [at DOH], by all means we will not just support it, we will advocate it, we will buy it."

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 1.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 17,145 na ang namamatay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

IVERMECTIN

LINO CAYETANO

NOVEL CORONAVIRUS

PASIG CITY

TAGUIG CITY

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with