_ngayon
^

Bansa

Chopper incident sa Bohol walang epekto sa delivery ng bakuna

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Chopper incident sa Bohol walang epekto sa delivery ng bakuna
Ang paniniyak ay ginawa ni Phil. Air Force Spokesperson LtCol. Maynard Mariano, kung saan sinabi nito na tuluy-tuloy pa rin na magagampanan ng Air Force ang kanilang papel sa paglaban sa pandemya sa kabila ng pag-ground ng lahat ng kanilang MD520 helicopters dahil sa insidente.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Air Force na hindi makaaapekto sa paghahatid ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa ang insidente ng pagbagsak ng isa nilang helicopter sa Bohol kamakalawa.

Ang paniniyak ay ginawa ni Phil. Air Force Spokesperson LtCol. Maynard Mariano, kung saan sinabi nito na tuluy-tuloy pa rin na magagampanan ng Air Force ang kanilang papel sa paglaban sa pandemya sa kabila ng pag-ground ng lahat ng kanilang MD520 helicopters dahil sa insidente.

Aniya, standard operating procedure na hindi muna paliparin ang buong fleet ng isang aircraft na involved sa aksidente habang iniimbestigahan ang sanhi.

Ayon kay Mariano, anim ang kanilang MD520 helicopter at 40 taon nang nasa serbisyo ito.

Pero nagagawan pa naman aniya nila ng paraan na pakinabangan ang mga ito sa maayos na maintenance.

Ang MD520 helicopter na bumagsak ay nag-take off mula sa Cebu para sa isang routine maintenance flight, nang mag-crash landing ito sa baybayin ng Jetafe, Bohol nitong Martes ng umaga.

Nasawi sa insidente ang piloto nito, habang nasa ligtas na kalagayan na ang sugatang co-pilot at dalawang crew.

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with