_ngayon
^

China walang karapatang pigilan ang PCG sa maritime drills -- Lorenzana

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 29, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang kara-patan ang China na pigilan ang Philippine Coast Guard sa pagsasagawa ng maritime patrols sa West Philippine Sea.

“They have no autho-rity or legal basis to prevent us from conducting these exercises within the WPS (West Philippine Sea). Atin yan (It’s ours),” ani Lorenzana.

Reaksiyon ito ni Lorenzana sa pahayag ng Chinese government na dapat nang itigil ng Pilipinas ang maritime exer­cises sa pinag-aawa-yang WPS. Aniya, ayon sa international tribunal, walang basehan ang sinasabi ng China na nine-dash line.

Ayon kay Lorenzana, nakapaloob sa dalawang  international document ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at  Arbitral award of 2016 na pag-aari ng bansa ang  South China Sea.

Una nang sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang pagpapatrol ng Pilipinas sa WPS ay posibleng  magdulot ng kaguluhan kaya’t mas makabubuting itigil na ang  pagpapatrolya.

Subalit para kay Lorenzana, mas ginagawang komplikado ng China ang sitwasyon sa patuloy na paghihimasok nito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. 

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with