^
House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH
Batid umano nila na imposible na i-test ang lahat ng Pilipino kaya kailangang ipagtupad ang Code strategy. Nakapaloob dito ang “house-to-house”, paggamit ng rapid antigen kung kinakailangan at RT-PCR.
The STAR/Michael Varcas, file

House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang “house-to-house swab testing” para sa COVID-19 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para mas maging epektibo ang ginagawang testing ng pamahalaan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay para malaman talaga ang tunay na istatus ng impeksiyon sa bansa kahit na “asymptomatic o symptomatic” ang mga kaso.“We are ramping up although experts are sa-ying we need to test more, and that is what we are trying to do,” ayon kay Vergeire.

Batid umano nila na imposible na i-test ang lahat ng Pilipino kaya kailangang ipagtupad ang Code strategy.  Nakapaloob dito ang “house-to-house”, paggamit ng rapid antigen kung kinakailangan at RT-PCR.

Sa kasalukuyan, nag­lalaro lamang sa pa­gitan ng 30,000-50,000 ang bilang ng indibidwal na isinasailalim sa tes-ting kada araw ngunit mas nais nila na itakda ito sa average na 50,000 kada araw.

Ginagamit na rin ngayon ang rapid anti­gen test kits na nai-de­ploy na sa mga lokal na pamahalan para isailalim sa testing ang mga taong natukoy na may expo­sure sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 o iyong may mga sintomas.

Nitong Abril 19, nakapagtala ng 19.5% positivity rate sa higit 37 libong indibidwal na isinalang sa swab test. Mas mababa ito sa P24.2% na naitala noong Abril 3 kaya kailangang malaman ang tunay na estado ng impeksyon sa bansa.

Nangangahulugan umano ito na kaya mataas ang positivity rate ay dahil sa kulang ang ginagawang testing kada araw.

Una ng sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na kailangang makapag-test ang DOH ng 90,000 indi­bidwal kada araw sa Metro Manila lamang.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with