^
Duterte tutol iklian ang 14-day quarantine sa pauwing OFWs
Ipinanukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibalik ang dating protocol kung saan isasailalim agad sa swab test ang mga OFW pagkadating ng bansa at bawasan ang araw ng quarantine period sa mga isolation facility.
The STAR/Edd Gumban

Duterte tutol iklian ang 14-day quarantine sa pauwing OFWs

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya handang payagan na luwagan ang 14-days quarantine at testing protocols sa mga pauwing OFWs sa bansa.

Ipinahiwatig ni Du­terte na mabilis kumalat ang virus na puwedeng dumapo kahit saan at kahit kanino at habang dumarami ay mas nagi-ging malaking problema.

Ipinanukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibalik ang dating protocol kung saan isasailalim agad sa swab test ang mga OFW pagkadating ng bansa at bawasan ang araw ng quarantine period sa mga isolation facility.

Sinabi ng Pangulo na naalarma si Bello na mas nagiging magastos sa panig ng gobyerno ang mahabang mandatory quarantine period sa mga bumabalik na OFWs na kalimitang inilalagay sa mga hotels.

Ipinunto ni Bello na bukod sa economic burden, nagdudulot din ng emotional stress ang mahabang pananatili ng mga OFWs sa mga hotels na sabik na makita ang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon pa kay Bello, sa data ng IATF, ang positivi­ty rate ng mga bumabalik na OFWs ay 2.07% noong 2020 at 1.5% nitong 2021 na puwedeng gamiting dahilan para luwagan ang kasalukuyang guideline.

Iginiit naman ng Technical Advisory Group on COVID-19 na labis na mahalaga ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine protocols sa mga bumabalik na OFWs upang maingatan na huwag magkaroon ng bagong impeksiyon at mabantayan ang borders ng bansa mula sa mga bagong variants.

Sinabi ni health expert Dr. Edsel Maurice Salvaña, na napatunayang epektibo sa pagpigil ng mga bagong impeksiyon ang 14-day mandatory quarantine.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with