^
Duterte hindi dadalo sa ASEAN summit
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, bagaman at hindi dadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte, magkakaroon naman ito ng kinatawan sa pamamagitan ng DFA.
Presidential photo/Toto Lozano

Duterte hindi dadalo sa ASEAN summit

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta nga­yong linggo.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, bagaman at hindi dadalo ang Pangulo, magkakaroon naman ito ng kinatawan sa pamamagitan ng DFA.

“Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there,” ani Roque.

Nang tanungin kung bakit hindi dadalo ang Pa-ngulo, sinabi ni Roque na ang pagkakaintindi ay da-hil sa isyu ng face-to-face.

“Ang pagkakaintindi ko po diyan it’s the issue of face-to-face. I think, iyong issue lang po talaga could it be face-to-face or could it be virtual,” ani Roque.

Idinagdag ni Roque na marami ring lider ng ASEAN ang hindi makakadalo ng personal.

“Marami rin pong hindi makakarating na Heads of States from ASEAN, personally,” ani Roque.

ASEAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with