^
US naglabas ng travel advisory vs Pinas
“Do not travel to the Philippines due to COVID-19. Additionally, exer­cise increased caution due to crime, terrorism, civil unrest, and kidnapping,” nakasaad sa travel advisory ng US State Department.
STAR/ File

US naglabas ng travel advisory vs Pinas

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbawalan ng Estados Unidos ang kanilang mamamayan na magtungo sa Pilipinas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na travel advisory ng US State Department, sinabi nito na hindi dapat magtu-ngo dito sa bansa ang mga Amerikano dahil sa “very high risk” level ng COVID-19, bukod pa sa pagtaas ng krimen, terorismo, civil unrest at kidnapping.

“Do not travel to the Philippines due to COVID-19. Additionally, exer­cise increased caution due to crime, terrorism, civil unrest, and kidnapping,” nakasaad sa travel advisory ng US State Department.

Nabatid sa travel advisory na naglabas ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng US ng Level 4 Travel Notice sa Pilipinas dahil sa napakataas na kaso ng Covid-19.

Kung hindi naman uma­no maiwasan ang pagpunta sa Pilipinas ay dapat makumpleto ang bakuna at sumunod sa health protocols.

CDC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with