^
Higit 1.3 milyong Pinoys, nabakunahan vs COVID-19
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nitong Abril 21 nasa 1,562,563 vaccine doses na ang naibigay.
AFP/Joseph Prezioso

Higit 1.3 milyong Pinoys, nabakunahan vs COVID-19

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot na sa higit 1.3 milyong Pilipino ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa loob ng dalawang buwan na “vaccination program” ng pamahalaan.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nitong Abril 21 nasa 1,562,563 vaccine doses na ang naibigay.

Sa naturang bilang, nasa 1,353,107 ang unang doses kaya nangangahulugan na ganito karami rin ang Pilipino na nabakunahan na.  Nasa 209,456 naman sa kanila ang nabigyan ng ikalawang doses.

Umaabot na sa 3,025,600 bakuna ang duma-ting sa bansa at naipamahagi na sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa.

Ayon sa DOH, sapat na ang suplay ng Sinovac para mabigyan ng ikalawang dose ang mga na-bigyan na ng unang dose nito.  Inaasahan naman ang pagdating ng suplay ng AstraZeneca para mabigyan ng ikalawang doses ang mga naturukan ng unang dose nito.

Sa kasalukuyan, bumaba sa 43,835 indibidwal ang nababakunahan kada araw.  Mas mababa ito sa average na 47,545 noong Abril 13.
Tanging Sinovac at AstraZeneca vaccines pa lamang ang ginagamit sa bansa habang hindi pa dumarating ang mga bakuna mula sa Pfizer, Sputnik V ng Gamaleya Institute, Janssen ng Johnson & Johnson at Covaxin ng Bharat Biotech ng India na mga nabigyan na ng “emergency use applications (EUA)”.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with