^
PNP iimbestigahan ang mga pulis sa red-tagging ng community pantries
Ang mga residente ay nakalinya upang makakuha ng libreng pagkain at suplay bilang maginhawa pantalon ng komunidad sa Quezon City muling binuksan sa Miyerkules, Abril 21, 2021.
The STAR/Michael Varcas

PNP iimbestigahan ang mga pulis sa red-tagging ng community pantries

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga pulis na sang­kot sa ‘profiling’ at ‘red-tagging’ sa mga organizers ng community pantries gayundin ang mga police personnel na  gumamit sa  kanilang official police social media accounts  sa pagpapa-kalat ng nasabing isyu.

Ayon kay PNP spokes­man Brig. Gen. Ronnie Olay, partikular na utos ni Sinas ang  pagtukoy sa intensiyon ng mga pulis sa pagtatanong ng mga impormasyon hinggil sa paglalagay ng mga community pantry.

Aniya, obligasyon lamang ng mga pulis na tiyakin ang peace and order sa lugar kasabay ng pinaiiral na health protocols.

Pansamantalang iti­nigil ni Ana Patricia Non ang community pantry dahil sa red tagging.

Sinabi ni Non na ang Quezon City Police District (QCPD) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nag-akusa sa kanya na ginagamit niyang front para sa kanyang communist propaganda ang community pantry.

Humingi na ng paumanhin ang QCPD sa mga organizers ng community pantry.

Tiniyak ni QCPD Director, PBGen Antonio Yarra, na hindi nila kailanman pinahihintulutan ang ‘red-tagging’.

Tiniyak rin niya ang kaligtasan at proteksiyon ng mga naturang vo-lunteers ng community pantries.

Una nang itinanggi ni Sinas na inutos niya ang profiling at red tagging sa mga organizer ng community pantry sa Maginhawa St.

Ayon kay  Sinas, suportado nila ang community pantry dahil bo-luntaryong tulong ito ng mga concerned citizens sa mga mahihirap partikular sa mga nawalan ng trabaho.

Dagdag pa ni Olay, hindi nila pinakikialaman ang aksiyon ng NTF-ELCAC na umamin sa  background check sa mga organizers.

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with