^

Bansa

‘Pagtulong ng ilan, huwag kulayan’

Pilipino Star Ngayon

Bong Go sa community pantry initiatives:

MANILA, Philippines — Pabor at saludo si Senator Christopher “Bong” Go sa ginaga-wang inisyatibong ma­katulong ng ilan nating mga kababayan sa kapwa Filipino sa pamamagitan ng inilalatag na community pantry kasabay ng panawagan sa iilan din na huwag itong “kulayan”.

Sinabi ni Sen. Go na ang mga inisyatibo, tulad ng community pantry, ay patunay na nananati-ling buhay ang diwa ng bayanihan sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsubok na dumada-ting sa bansa.

Anang senador, tama lang na magbigay ng tulong, ayon sa kakayanan, ‘yung mga may sobra.

“Kaysa masayang o mag-expire, mabuti nang mapakinabangan ito ng mga mas nanga-ngailangan,” ani Go.

Ngunit ayon sa mam­babatas, wala dapat kulay, walang pinipili at walang pulitika dapat ang pagtulong.

Tulad aniya ng palagi niyang sinasabi, kung anumang kabutihan ang pwedeng gawin para sa kapwa ay gawin na natin ngayon.

Hindi aniya ito panahon para magsisihan, magsiraan, o maglama-ngan pa bagkus ay panahon ito ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at pa-kikiisa sa bayanihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with