^
Community pantry âwag pakialaman - Malacañang
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag sa gitna ng ginawang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa nagpasimuno ng community pantry sa Quezon City.
The STAR/Victor Martin

Community pantry ‘wag pakialaman - Malacañang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dapat pakialaman at pigilin ang mga nagsulputang community pantry na ang layunin ay isulong ang Bayanihan, ayon sa Malacañang.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag sa gitna ng ginawang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa nagpasimuno ng community pantry sa Quezon City.

Sinabi ni Roque na suportado ng Malacañang ang inilabas na pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagpapatigil sa pulisya sa pakikialam sa mga community pantry.

“Sa panig po ng Presidente, sa panig ng DILG malinaw po – ini-encourage po natin at binibigyang-puri natin ang mga mamamayan natin na sumasapi diyan sa community pantries,” ani Roque.

Sinabi rin ni Roque na iginagalang ng Palasyo ang bayanihan ng mga mamamayan pero dapat ding maipatupad ang minimum health standards sa mga community pantries.

Idinagdag din nito na hindi dapat hinahadla-ngan ang ginagawang pagbabayanihan.

“The President has spoken though my office, the DILG has spoken, and unless their concern is about health protocols not being observed, they should let these community pantries alone. Dapat walang hahadlang doon sa mga efforts na nagbabayanihan ang ating mga kababayan,” sabi ni Roque.

NTF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with