^
1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ang darating sa Abril 22, bukod pa sa 500,000 doses sa Abril 29.
AFP/Joel Saget

1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ang pagdating ngayong buwan ng nasa 1.695 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

Kabilang sa darating ang inisyal na suplay ng Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac ng China at Pfizer ng Amerika.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ang darating sa Abril 22, bukod pa sa 500,000 doses sa Abril 29.

Ngayong Abril aniya makukumpleto ang pagdating ng CoronaVac.

Sinabi rin ni Roque na may inisyal na 20,000 doses ng bakuna mula sa Russia ang darating bukod pa sa 480,000 doses bago matapos ang buwan.

Inaasahan din ang pagdating ng 195,000 doses ng Pfizer vaccines bago matapos ang buwan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with