^

Bansa

PNP maritime group, tutulong sa pagpatrolya sa WPS

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na silang magpatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

Ang paniniyak ay gina­wa ni PNP chief Gen. Debold Sinas kaugnay ng gagawing pagdedeploy sa PNP Maritime Group bilang pagsuporta sa AFP sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa mula sa anumang banta.

Ayon kay PNP Maritime Director PBgen. John Mitchel Jamili na may regular silang maritime patrols sa coastal areas ng Region 1, Region 3, Region 4B at Palawan partikular sa mga baybaying nakaharap sa WPS.

Sinabi pa ni Jamili na magdedeploy ang Maritime Group ng special operating units sa Pag-asa Island para suportahan ang iba pang ahensya ng pamahalaan na nagbabantay sa lugar.

Pero sinabi ni Jamili na karamihan sa kanilang mga sasakyan ay maliliit lang, at kailangan nila ng mas malalaking barko para tapatan ang mga barko ng China.

Ayon sa PNP, kaila-ngan ng suporta ng AFP upang mabigyan ng proteksiyon ang mga pag-aari ng Pilipinas na nais na sakupin ng  ibang bansa.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with