^
Pinas No. 3 sa Southeast Asia sa dami ng nabakunahan
Sa datos na ibinahagi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 1,456,793 doses ng bakuna na ang naibigay ng Pilipinas. Sumusunod ang bansa sa Indonesia na may 15,811,449 doses habang ikalawa ang Si-nga­pore na may naibigay nang 1,667,522 doses.
The STAR/Michael Varca

Pinas No. 3 sa Southeast Asia sa dami ng nabakunahan

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia (SEA) na may pinakamaraming doses ng COVID-19 vaccines na naibigay na sa mga mamamayan.

Sa datos na ibinahagi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 1,456,793 doses ng bakuna na ang naibigay ng Pilipinas. Sumusunod ang bansa sa Indonesia na may 15,811,449 doses habang ikalawa ang Si-nga­pore na may naibigay nang 1,667,522 doses.

Kasunod lamang ng Pilipinas sa ikaapat na puwesto ang Myanmar na may 1,040,000 doses at ikalima ang Malaysia na may 1,018,937 doses.

Sa mga doses na nai­­bigay, 960,191 healthcare workers ang nakatanggap ng unang dose habang 191,982 ang nakakumpleto na ng dalawang doses; nasa 128,018 senior citizens ang nabigyan ng unang doses at wala pang ikalawang dose; habang 176,305 indibiduwal na may comorbidities ang nabigyan na rin ng unang dose ng bakuna.

Kabilang sa mga ba-kunang gamit sa Pilipinas ay ang isang milyong doses ng Sinovac na donasyon mula sa COVAX facility at 525,600 doses ng AstraZeneca  buhat din sa COVAX at 1.5 milyong doses ng Sinovac na bahagi ng binili mismo ng pamahalaan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with