^
Withdrawal of support kay Duterte âkuwentong kutseroâ -- Palasyo
Pangulong Rodrigo Duterte.
Presidential Photo/Karl Alonzo

Withdrawal of support kay Duterte ‘kuwentong kutsero’ -- Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinawag ng Malacañang na kuwentong kutsero ang sinasabing balak umano ng ilang retiradong heneral laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kawalan nito ng aksiyon sa isyu ng West Philippine Sea.

“Kuwentong kutsero lang po iyan. Naniniwala po kami na lahat ng ating kasundaluhan ay tapat sa Republika at alam po nila na hindi po talaga panahon para sa pulitika ngayon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Binanggit din ni Roque na dapat ay hintayin na lamang ang eleksiyon dahil isang taon na lamang sa puwesto ang Pangulo.

Kung sa tingin aniya ng mga hindi naniniwala sa polisiya ng Pangulo ay hindi ito tama ay huwag na lamang iboto ang susuportahan nitong kandidato.

Sinabi rin ni Roque na hindi nababahala ang Pangulo kahit pa itinanggi na ng Department of National Defense at ng AFP ang sinasabing pagbawi ng suporta kay Duterte ng mga heneral.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with