Pumanaw sa COVID-19 sa Pilipinas lagpas 16,000 na
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,628 bagong infection ng coronavirus disease Lunes, kung kaya nasa 945,745 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 945,745
- nagpapagaling pa: 141,375, o 14.9% ng total infections
- bagong recover: 9,266, dahilan para maging 788,322 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 88, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 16,048
Anong bago ngayong araw?
-
Umabot na sa lagpas 191,000 Pilipino ang nakakukuha ng kumpletong dosage ng COVID-19 vaccines, ayon sa pinakahuling taya ng DOH ngayong araw.
-
Itutuloy naman na ng Pilipinas ang pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga taong mas bata sa 60-anyos, dalawang linggo matapos itong isuspindi ng Food and Drug Administration dahil sa isyu ng "blood clotting."
-
Pinapurihan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga nagsimula ng "community pantries" sa gitna ng community quarantine at kawalan ng hanapbuhay habang pandemya.
Pero paalala niya, magandang matiyak na hindi ito pagmumulan ng hawaan ng COVID-19: "Kailangan lang ho siguro na ma-guide sila ng local governments natin kung paano dapat ang proseso para hindi nagkukumpol-kumpol ng mga tao... Maging mas organized, maging mas maayos. Hindi naman kailangang itigil." -
Pumalo naman na sa 40% ng target mabigyan ng ayuda para sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang nabigyan nito, pagbabahagi ng Department of the Interior and Local Government.
-
Umaabot na sa halos 1.32 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, lagpas 3 milyon na ang patay.
— James Relativo at may mga ulat mula kina Gaea Katreena Cabico at Franco Luna
- Latest