_ngayon
^
8 na lugar sa Luzon, Visayas Signal no. 2 dahil sa Typhoon Bising
Satellite image ng bagyong "Bising" 250 kilometro silangan hilagangsilangan ng Virac, Catanduane kaninang 4 a.m., ayon sa PAGASA
PAGASA

8 na lugar sa Luzon, Visayas Signal no. 2 dahil sa Typhoon Bising

James Relativo (Philstar.com) - April 19, 2021 - 10:16am

MANILA, Philippines — Patuloy na kumikilos pa-hilagangkanluran ang bagyong "Bising" habang napapanatili ang lakas nito, ayon sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA nitong nitong umaga.

Pasado 4 a.m., Lunes, nang matagpuan ang mata ng typhoon 250 kilometro silangan hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes.

  • Lakas ng hangin: 195 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso: hanggang 240 kilometro kada oras
  • Pagkilos: hilaga hilagang kanluran
  • Bilis: 10 kilometro kada oras

"Ngayong araw, katamtaman hanggang malalakas at minsanang matitinding pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at Leyte," ayon sa PAGASA kanina sa Inggles.

Sa susunod na 24 oras, makakaranas ng malalakas na ihip ng hanging may "near gale conditions" at bugso sa:

  • Northern Luzon
  • Aurora
  • nalalabing bahagi ng Quezon na walang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS)

Ang malalakas na hanging ay dulot ng northeasterly wind flow na siyang pinalalakas ng bagyo. "Malaki ang tiyansa na mangyari ang mga ito sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar," patuloy ng PAGASA.

Signal no. 2 nakataas pa rin sa Luzon, Visayas

Kaugnay ng bagyo, nakataas pa rin ang TCWS no. 2 sa mga sumusunod na lugar dahil sa bagyong "Bising":

Luzon

  • Catanduanes
  • silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy)
  • silangang bahagi ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito)
  • silangan at gitnang bahagi ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog)

Visayas

  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran

Sa mga nasabing lugar, inaasahan ang lakas ng hangin na aabot sa 61-120 kilometro kada oras sa susunod na 24 oras.

Samantala, nasa ilalim pa rin ng Signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue)
  • hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)
  • timogsilangang bahagi ng Quezon (Guinayangan, Calauag, Tagkawayan) kasama ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • nalalabing bahagi ng Camarines Sur
  • nalalabing bahagi ng Albay
  • nalalabing bahagi ng Sorsogon
  • Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands

Visayas

  • Leyte
  • Southern Leyte
  • hilagang bahagi ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kasama ang Bantayan at Camotes Islands

Mindanao

  • Dinagat Islands
  • Siargao Islands
  • Bucas Grande Islands  

Mga hanging mula 30-60 kilometro kada oras ang inaasahan sa mga nasabing lugar o 'di kaya'y panakanakang mga pagulan sa susunod na 36 oras.

Inaasahang pinsala

Dahil sa mga hanging papalo bunsod ng bagyo, narito ang mga inaasahang pinsala na mararanasan sa mga lugar na nasa Signal no. 2 at Signal no. 1.

Signal no. 2:

Signal no. 1:

BISING PAGASA PAGASA WEATHER UPDATES TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with