^
642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy
Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong kaso ng P.3 variant o Philippine variant.
AFP/Anthony Wallace

642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.

Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong kaso ng P.3 variant o Philippine variant.

Sa 266 kaso ng UK variant, 11 dito ay mga “returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang lokal na mga kaso at 67 pa ang kasalukuyang bineberipika ng pamahalaan. Walo na dito ang mga nasawi, 204 ang nakarekober at 54 pa ang kasalukuyang aktibo.

Sa 351 kaso ng South African variant, 15 ang ROFs, 263 ang lokal na kaso at 73 ang bineberipika. Apat na pas-yente na ang nasawi, 293 ang nakarekober at 54 pa ang aktibo.

Sa 25 P.3 variant, da-lawa ang ROFs, 21 ang lokal na kaso at dalawa ang bineberipika. Nasa 24 ang nakarekober na at isa ang nananatiling aktibo.

Muling iginiit ng DOH na ang P.3 variant ay hindi pa tinutukoy na “variant of concern” dahil hindi pa sapat ang hawak nilang datos upang masabing may seryosong epekto sa kalusugan ito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with