^
Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite
Paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang alokasyon ng bakuna ay nakabase sa master list na ibibigay sa kanila ng bawat LGUs.
The STAR/Boy Santos, File photo

Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra COvid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4.

Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa indus-triya ng transportasyon, market, manufacturing, go­vern­ment services, hotels, education, media at iba pa.

Paliwanag ni Nograles na ang alokasyon ng bakuna ay nakabase sa master list na ibibigay sa kanila ng bawat LGUs.

Tiniyak din niya sa publiko na ang supply ng bakuna ay available sa PIlipinas sa tulong ng Asian countries sa gitna ng kakapusan ng supply nito mula sa Western manufacturers.

Kabilang sa inaasa-hang maaaring pagkunan ng bakuna ay mula sa China, Russia at India.

Inaasahan naman na 20 milyon doses ng bakuna mula sa Sputnik V na gawa ng Russian company na Gamaleya ang darating na sa Pilipinas matapos na payagan ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization nito.

LGUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with