^

OFWs sa Korea binigyan ng 1-year extension

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan ng isang taong ekstensyon ng pamahalaan ng Korea ang mga overseas Filipino workers na mapapaso ang kontrata ngayong taon dahil sa pandemya.

Sa ulat ni Labor Attaché Maya Valderrama ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Korea, nagpasa ng ami-yenda sa Act on Employment of Foreign Workers ang Korea’s Ministry of Employment and Labor (MOEL) at Ministry of Justice (MOJ) para sa isang ekstensyon ng mga OFWs at iba pang dayuhang manggagawa sa Korea na mapapaso ang kontrata mula Abril 13 hanggang Disyembre 2021.

Sinabi ni Valderrama na inaasahan na masosolusyunan nito ang problema ng mga manggagawa sa paglabas-pasok sa Korea ngayong pandemya at ang kakapusan sa tauhan ng mga maliliit at medium-sized na kumpanya sa Korea.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with