^
COVID-19 cases tuloy sa pagtaas - OCTA
“It’s still too early to say, pwede pang ma-reverse pero sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working. We’re just being transparent about the data,” pahayag ni professor Guido David ng OCTA Research Team.
STAR/ File

COVID-19 cases tuloy sa pagtaas - OCTA

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MECQ ‘di gumagana

MANILA, Philippines — Maaaring hindi gumana ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

“It’s still too early to say, pwede pang ma-reverse pero sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working. We’re just being transparent about the data,”  pahayag ni professor Guido David ng OCTA Research Team.

Sinabi ni  David na ba-go maipatupad ang enhanced community qua­ranti­ne (ECQ) sa  Metro Manila, ang growth rate  ng  infections ay nasa 60 percent pero napababa ito sa 20 percent noong naisailalim sa ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Anya, nang maibaba ang quarantine restrictions sa Metro Manila o binalik sa MECQ, nagsimula na namang tumaas ang  growth rate ng COVID-19.

“Pero this week, na­wala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” dagdag ni David.

Pinalalagay ni David na dapat na-extend pa ang ECQ para tuluyan ang pagbaba ng kaso ng hawahan ng virus sa lugar.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng OCTA Research nitong Abril 16, ang reproduction rate ay nasa 1.16 mula Abril 9-15, mas mababa sa 1.61 growth rate noong Marso 29 hang­gang Abril 4, nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Ang downward trends na naitala sa Maynila ay -8% growth rate; Makati, -1%; Taguig, -13%; Manda­luyong, -6%; Valenzuela, -3%; Pasay, -12%; Marikina, -15%; Muntinlupa, -17%; at ; Navotas, -13%.

Bumaba rin ang mga kasong isinailalim sa gra-nular lockdowns sa Metro Manila, na ang dating 132 lugar noong Marso 29 ay 24 na lamang.

Ang mga itinayong isolation facilities para sa may mild symptoms ng COVID-19 ay nakagaan sa pag-apaw ng mga pas-yente ng mga ospital sa NCR.

Ayon sa mga eksperto, ang average ng mga bagong COVID-19 cases na naiuulat sa kada araw sa NCR ay 5,085 sa nakalipas na linggo na may growth rate na -0.4 porsyen­to, habang ang positivity rate ay 24 porsyento.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with