^
Umaatras sa bakuna âdi pipiliting magpaturok â DOH
Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.
PCOO

Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.

Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.

Ayon kay Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung kailan sila babakunahan.

Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals”.

“So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.

Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pagpapabakuna.

Sa kabila nito, kinakausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan upang makumbinsing magpaturok.

Matatandaan na nagpahayag ng pagkairita si Duterte sa mga ayaw magpabakuna na posibleng aniyang maging dahilan nang pagkahawa ng iba sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with