^
RT-PCR epektibo pa rin sa pag-detect ng COVID-19
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napakaliit lang ng populasyon na nakitaan na hindi natukoy ng RT-PCR ang French COVID-19 variant.
STAR/ File

RT-PCR epektibo pa rin sa pag-detect ng COVID-19

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Epektibo pa rin ang reverse transcription- polymerase chain reaction (RT-PCR)  test  na itinuturing na ‘gold standard’ sa pagtukoy ng COVID-19, ayon sa Department of Health sa gitna ng alalahanin na may nakakalusot o hindi ma-detect na variant sa France gamit ang nasabing testing.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napakaliit lang ng populasyon na nakitaan na hindi natukoy ng RT-PCR ang French COVID-19 variant.

“Ang article na lumabas na ito napakaliit ng population na nakitaan nila na hindi na-detect apparently sa RT-PCR pero ito ay pinabulaanan ng experts coming from Johns Hopkins and Stanford at iba pang credible institution,” ani Vergeire.

Dagdag ni Vergeire, dapat pang pag-aralan ito ng mga nasa larangan ng diagnostic testing, na kailangang patunayan kung makakaapekto o hindi sa paraan ng pagkuha ng COVID-19 tests.

Noong kalagitnaan ng Marso nang sabihin ng Frech authorities na nag-iimbestiga sila sa isang variant na nakita sa Western Britanny region na mahirap matukoy sa pamamagitan ng tests, bagama’t sa kasalukuyan ay hindi naman masasabing mas mapanganib o mas nakahahawa.

Hinimok na ng OCTA Research ang DOH na palakasin pa ang isinasagawang contact-tracing at ipatupad ang mandatory quarantine period para sa mga dumarating mula sa ibayong dagat.

Sa datos mula Abril 10, may natukoy na isang kaso ng variant na unang natuklasan sa Brazil (P.1), 170 ang variant na unang natuklasan sa United Kingdom (B.1.17), 192 ang variant na unang natukoy sa South Africa (B.1.3.5.1), at  19 na ang na­tukoy sa Pilipinas (P.3).

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with