^
VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19
Sa Facebook post ni Vice President Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.
Boy Santos/File

VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kusang nag-quaran-tine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.

Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

Matatandaan na no­ong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.

Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with