^
P180 bilyong lugi sa ekonomiya, 1.5 milyong nawalan ng trabaho sa 2-week ECQ
Sinabi ni Trade Se-cretary Ramon Lopez na ang P180 bilyon ay katumbas ng 1 porsyento ng P18 trilyong gross domestic product (GDP) ng bansa.
Miguel De Guzman

P180 bilyong lugi sa ekonomiya, 1.5 milyong nawalan ng trabaho sa 2-week ECQ

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P180 bilyon ang nawalang kita sa ekonomiya ng bansa habang 1.5 milyong mang­gagawa ang nawalan ng kita nang ipatupad ang dalawang linggong enhanced community quaran­tine (ECQ) sa NCR Plus.

Sinabi ni Trade Se-cretary Ramon Lopez na ang P180 bilyon ay katumbas ng 1 porsyento ng P18 trilyong gross domestic product (GDP) ng bansa.

Sa 2 linggong ECQ, napayagan lamang na magbukas ang mga essentials gaya ng health facilities, delivery services, at ang agriculture sector, habang ang iba pang negosyo ay may skeleton workforce lamang.

Ngayon na niluwagan na ang community quarantine sa NCR Plus ay mas marami nang negosyo ang pinayagang mag-operate muli sa mas mataas na kapasidad.

Samantala sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang hanapbuhay matapos na ibaba sa MECQ ang NCR Plus.

Ayon kay Lopez, maka­kabalik lamang ang na-lalabing isang million na manggagawa sa kanilang hanapbuhay sa oras na ilagay sa ilalim ng GCQ ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

Sa pagluluwag ng quarantine status sa NCR Plus, mas marami kasing mga negosyo ang pinayagan na muling makapagbukas pero sa skeleton workforce on-site.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with