^

Bansa

Ex-BAI chief pinakakasuhan ng DA sa pagpasok ng pork imports sa mga bansang may ASF

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng legal service ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasampa ng kaso laban sa dating pinuno ng Bureau of Animal Industry (BAI) dahil sa pagpayag na makapag-import ng karneng baboy sa mga bansang mayroong African swine fever (ASF).

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, sinabi ni Atty. Armando Crobalde Jr., legal service ng DA, na inindorso na nila ang paghahain ng kasong korapsyon at administra-tibo laban kay BAI director Dr. Ronnie Domingo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nag-ugat ang kaso mula sa alegasyon na sa ilalim ng liderato ni Domingo ay nag-iisyu pa rin siya ng sanitary at phytosanitary import clearance (SPSIC) na pumapayag na mag-import ng mga karneng baboy mula sa ASF-infected countries tulad ng Belgium, Hungary, Germany, at China.

Ito ay sa kabila ng kau­tusan ni dating Agriculture Sec. Emmanuel Pinol ng memorandum orders na hindi pumapayag sa pagpasok ng mga karneng baboy mula sa nasabing mga bansa. 

vuukle comment

BAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with