^
PAGASA: Bagyong 'papasok ng PAR mamaya' tumindi, severe tropical storm na
Bandang 10 a.m. nang mamataan ang bagyo 1,095 kilometro silangan ng Mindanao.
JTWC

PAGASA: Bagyong 'papasok ng PAR mamaya' tumindi, severe tropical storm na

(Philstar.com) - April 15, 2021 - 12:13pm

MANILA, Philippines — Patuloy na nag-iipon ng lakas ng isang bagyo sa gawing timogsilangan ng Pilipinas ilang oras bago ang tinatayang pagpasok ng Philippine area of responsibility (PAR), pag-aanunsyo ng state weather bureau ngayong araw.

"'SURIGAE' intensified into severe tropical storm at 8:00 AM today. It is forecast to reach typhoon category in the next 36 hours and may continuously intensify," ayon sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, Huwebes.

"It is forecast to enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) between tonight and tomorrow morning." Una nang sinabi ng gobyerno na tatawaging bagyong "Bising" ang sama ng panahon oras na pumasok ito ng PAR.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang bagyo 1,095 kilometro silangan ng Mindanao.

  • Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: 115 kilometro kada oras
  • Direksyon: 10 kilometro kada oras

Wala pa namang direktang epekto sa kalupaan ng bansa ang bagyo sa ngayon ngunit pinaaalalahanan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices ng silangang bahagi ng Timog Luzon at Visayas na mag-monitor sa mga updates hinggil sa bagyo.

Saan makikita sa mga susunod na araw?

Tinatayang bibilis ang bagyong "Surigae" habang kumikilos pakanluran-hilagangkanluran hanggang Linggo bago tuluyang pumihit pahilaga sa Lunes.

Posibleng mamamataan ang mata ng bagyo sa mga sumusunod na lugar sa mga darating na araw:

  • Biyernes ng umaga (885 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur; severe tropical storm)
  • Sabado ng umaga (600 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar; typhoon)
  • Linggo ng umaga (450 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon, typhoon)
  • Lunes ng umaga (470 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte; typhoon)
  • Martes ng umaga (650 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora; typhoon)

Una nang sinabi ng PAGASA na nanggaling ang international name na "Surigae" mula sa North Korea, bagay na nangangahulugan ng isang uri ng agila. — James Relativo

BISING PAGASA PAGASA WEATHER UPDATES SEVERE TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with