^
Diplomatic protest uli ihahain vs Chinese vessels sa WPS
Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. inaatasan nito ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest.
US Navy file

Diplomatic protest uli ihahain vs Chinese vessels sa WPS

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghahain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa 240 barko ng mga Tsino sa West Philippine Sea.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. inaatasan nito ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest.

Ayon sa National Task Force for the West Philip-pine Sea (NTF-WPS), 6 na barko ng Chinese navy kabilang ang 3 barkong pandigma ang nakita sa WPS.

Mayroon ding naki-tang 2 barko ng People’s Libe­ration Army Navy sa Bajo de Masinloc.

Ang mga Chinese navy vessels ay bukod pa sa tinatayang nasa 240 Chinese militia vessels na nakakalat sa territorial waters ng bansa sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.

Ayon sa NTF-WPS, ang presensya ng mga barkong pandigma ng China sa EEZ ng Pilipinas ay maituturing na militarisasyon ng karagatan na nakakasama sa kapayapaan at istabilidad sa rehiyon.

Sa 240 Chinese militia, 136 ang nasa Burgos Reef, siyam sa Julian Felipe Reef, 65 sa Chigua Reef, anim sa Panganiban Reef, tatlo sa Zamora Reef, apat sa Pag-asa Islands, isa sa Likas Island, lima sa Kota Island, at 11 sa Ayungin Shoal.

Ayon sa NTF-WPS, kung ang mga barko ay fishing vessels, dahil sa laki ng mga ito na 60 metro, may kakayahan ang 240 barko na makahuli ng 240,000 kilo ng isda araw/araw sa pamamagitan ng illegal fishing sa karagatan ng Pilipinas.

Umalma rin ang NTF-WPS sa unang naobserbahan na paghango ng mga Chinese fishermen ng mga giant clams sa bisinidad ng Pag-asa island na umano’y paglabag sa batas ng Pilipinas at Convention on International Trade of Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES).

Nauna rito, ipinatawag na ng DFA si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil sa iligal na presensya ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.— Doris Franche

WPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with