^
Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng âsuper spreaderâ ng virus
“This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
PCOO

Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue.

“This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nabatid na inirereklamo ng mga benepisyaryo ang pagpapalabas sa kanila ng mga lokal na pamahalaan at pagpapapila para matanggap ang P1,000 hanggang P4,000 ayuda sa halip na ibahay-bahay para hindi na sila mapilitan na lumabas.

Sinabi ni Vergeire na pinaalalahanan na nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol dito at ma-ging ang Department of the Interior and Local Go-vernment (DILG).

“We also reminded our LGU na magkaroon ng scheduling para hindi nagkakaroon ng pagkukumpol-kumpol ang ating mga kababayan kapag sila ay nagpapabakuna,” sabi ni Vergeire.

Sinang-ayunan din ni Vergeire ang paha­yag ni National Task Force Against COVID-19 and vac­cine czar Carlito Galvez Jr. na dapat maghanda para sa posibleng bagong COVID-surge na maaaring maganap        sa Hunyo o Hulyo.

Ngunit sinabi rin niya na walang nakakaalam kung kailan mangyayayari ang susunod na surge dahil sa walang katiyakan ang sitwasyon.

Isa lang ang tiyak na dapat maghanda ang pamahalaan at mapataas lahat ng kapabilidad at efforts para hindi mangyari ang susunod na COVID surge.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with