^
Mga bilanggo isama sa priority list ng bakuna â CHR
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, mas mainam na maisama sa unang mababakunahan ang mga preso upang maiwasan ang hawahan ng virus sa loob ng mga piitan.
Edd Gumban

Mga bilanggo isama sa priority list ng bakuna – CHR

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan sa pamahalaan ang Commission on Human Rights (CHR) na isama rin sa priority list na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga bilanggo sa bansa.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, mas mainam na maisama sa unang mababakunahan ang mga preso upang maiwasan ang hawahan ng virus sa loob ng mga piitan.

Sinasabing ang mga bilanggo ay hindi kasama sa priority list para sa COVID vaccination.

“In developing national vaccination plans, it should not discriminate against those held in detention... Those who are high risk inmates for COVID-19 should be prio­ritized for inoculation with the same treatment with comparative groups in the general population,” dagdag ni de Guia.

Noong December  2019, ang Bureau of Corrections ay nagtala ng 302% congestion rate habang ang Bureau of Jail Management and Penology ay nagtala ng 534% congestion rate noong  March 2020.

Bago magkaroon ng pandemic, iniulat ng National Bilibid Prisons na isang preso ang namamatay sa isang araw habang 300 hanggang 800 BJMP inmates ang namamatay kada taon.

CHR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with