^

17 colleges, universities ipapagamit na vaccination sites – CHED

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 17 kolehiyo at mga unibersidad na ang pumayag na ipagamit ang kanilang mga pasilidad bilang vaccination sites upang makatulong sa COVID-19 vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan.

Hindi naman na inisa-  isa ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III ang mga naturang paaralan ngunit sinabing karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila.

Aniya, ang arrangement dito ay depende sa magiging negosasyon sa pagitan ng mga kolehiyo at unibersidad at ng local government unit (LGU) sa kanilang lugar.

Sa ngayon aniya ay target nilang sa buwang ito ay maisapinal na ang usapan dahil marami pang mga bakuna laban sa COVID-19 na inaasahang darating sa bansa sa Mayo.

Bukod aniya dito, mayroon 20 pang kolehiyo at unibersidad ang nagpahayag na rin ng kahan­daan na ipagamit ang kanilang mga pasilidad bilang vaccination sites.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with