^

Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapasigla ng negosyo, pamumuhunan sa bansa

(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangu­long Rodrigo Duterte sa pagsertipika bilang “urgent” ng tatlong panukalang batas na layong pasiglahin ang mga negosyo at pamumuhunan sa bansa.

Sa gitna ng pandem­ya, iginiit ni Go sa pamahalaan na iprayoridad ang pagpapatupad ng investment plan na titiyak sa matatag na distribusyon ng yaman at magpapaangat ng socio-economic  development sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pamamagitan ng ganitong approach ani­ya, matutulungan ang mga komunidad na makarekober sa epekto ng COVID-19 pandemic at makapagbibigay ng economic opportunities sa mga nais makapagsimula  ng bagong buhay sa mga lalawigan.

“Iba po ang panahon ngayon, kailangang tulungan at mas maeng-ganyo ang mga investors na gustong pumasok dito sa atin. ‘Pag maraming investors, mas maraming trabaho,” sabi ni Go.

“Siguraduhin rin na-ting makabenepisyo dito ang mga kababayan natin sa malalayong ko­munidad. Marami na pong gustong umuwi sa kanilang probinsya kaya gawan natin ng paraan na may kabuhayan silang uuwian doon,” dagdag ng senador.

Si Go ang panguna-hing nagplano ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na layong i-decongest ang Metro Manila pero dapat ay pala­kasin ang socio-economic development sa mga lalawigan.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with