^
Dolomite itinambak uli sa Manila Bay, ngayon may 'rock formations' na
Kuha ng bagong pagtatambak ng dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay, ika-14 ng Abril, 2021
Videograb mula kay News5/Shyla Francisco

Dolomite itinambak uli sa Manila Bay, ngayon may 'rock formations' na

James Relativo (Philstar.com) - April 14, 2021 - 12:21pm

MANILA, Philippines — Matapos mabatikos nang husto noong 2020, muling itinuloy ng gobyerno ang pagtatambak ng durog na "dolomite" sa dalampasigan ng Manila Bay — may bonus pang tila "rock garden."

Martes nang bumulaga uli sa social media ang mga pekeng "white sand" na bahagi ng P389 milyong beach nourishment project, sa panahong sumisipa ang COVID-19 infections at nagkakaroon ng bagong harassments ng Beijing sa West Philippine Sea.

"'Di pa kasi kumpleto yung very thin layer ng dolomite noon kaya nagkakaroon ng wash in (pag-anod), kinukumpleto lang natin," ani Environment Undersecretary Jonas Leones sa ulat ng News5, Miyerkules.

"Last time, natigil 'yung paglalagay ng dolomite doon dahil nagkaroon ng problem sa LGU, ngayon naayos na natin so we continued."

Setyembre 2020 nang mabira ang nasabing "rehabilitation" project sa Manila Bay — na natural namang grey ang feature at dating puno ng bakawan — lalo na't hindi naman nalilinis ng synthetic materials ang maruming tubig at kapaligiram ng look, ayon sa Greenpeace Philippines.

Matagal na ring dismayado ang netizens dahil tila naaanod lang ang milyun-milyong halaga ng dolomite na ginastusan ng pamahalaan tuwing umuulan at bumabagyo. Ilang beses nang naging viral ang litrato ng Manila Bay tuwing umuulan kung saan nagiging itim ang dalampasigan ng look.

Bukod pa riyan, napupuna rin ng ilan ang nasabing proyekto dahil nagastos na raw sana sa ibang makahulugang bagay ng pondo ng pamahalaan, gaya ng ayuda at COVID-19 test kits.

Bato kontra-anod

Bukod sa dolomite, kapansin-pansing meron na ring "rock formations" na inilagay sa paligid ng Manila Bay.

Ayon sa Department of the Environment and Natural Resources (DENR), inilagay ang mga batong 'yan upang hindi anurin ang dolomite tuwing masungit ang panahon.

Sinasabing hindi ito parte ng orihinal na disensyo at wala naman daw dagdag na budget na ginastos para sa mga ito.

Second dose... ng buhangin?

Binanatan naman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), isang grupo ng militanteng mangingisda, ang bagong dolomite operations lalo na't COVID-19 daw ang numero unong concern ng taumbayan ngayon. 

"Ang kailangan ngayon ng mga tao ay kumpletong doses ng vaccine, bakit tayo bibigyan ng 2nd dose ng buhangin?" ani Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng PAMALAKAYA.

"What's with the priority? The country still endures a public health crisis which is far from over. The people urgently need anti-COVID vaccines and an adequate health care, not a continuous beach nourishment project that is highly irrelevant and an explicit waste of funds."

Aniya, sing-peke ng synthetic dolomite ang programang rehabilitation campaign ng gobyerno. Bukod pa riyan, pagtatago raw ito ng kabiguang maibalik ang biodiversity ng Manila Bay. 

"The supposed mission of the Manila Bay rehabilitation program is clear; but officials of the DENR are persistent with this unsustainable, band-aid cure, and financially unviable project. We urge the remaining sensible government officials to act for the termination of this insane project," pagtatapos ni Hicap. — may mga ulat ng News5

DEPARTMENT OF THE ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES MANILA BAY NOVEL CORONAVIRUS PAMALAKAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with