^
Hotels pwedeng i-takeover ng gobyerno â Duterte
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na puwedeng ipagamit ang mga hotel at motels sa gitna nang kakulangan sa pasilidad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may COVID-19.
STAR/ File

Hotels pwedeng i-takeover ng gobyerno – Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring gamitin ng gobyerno ang kapangyarihan na i-takeover ang isang pribadong pasilidad katulad ng mga hotel upang gamiting qua-rantine facilities, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Duterte na puwedeng ipagamit ang  mga hotel at motels sa gitna nang kakulangan sa pasilidad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

“Government can ex­propriate ‘yong mga hotels, motels, whatever kung kulang ang — ang mga halfway houses natin ‘yong naghihintay. So we kind of have the power. The government has the power to just expropriate. Puntahan na lang at sabihin gagamitin,” ani Duterte.

Nauna rito, iniulat ni Health Sec. Francisco Duque na inatasan na nila ang mga ospital na magreserba na ng hotel rooms para sa mga doktor at nurse na nagpositibo sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Duterte na bahagi ng kanyang deklarasyon ng national emergency ang isyu tungkol sa kalusugan kaya maaaring gamitin ang mga hotel at motels sa pagtugon sa problema.

Pero idinagdag din ng Pangulo na huwag nang isama ang mga mamaha-ling hotels.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with