^
20 milyong doses ng Sputnik V ituturok sa seniors
Nabigyan na ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang Sputnik V, na maaaring gamitin sa mga senior citizens kapalit ng AstraZeneca na naubusan na ng suplay, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr..
Miguel De Guzman, file

20 milyong doses ng Sputnik V ituturok sa seniors

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 20 milyong doses ng Sputnik V ng Russia ang inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na buwan kung saan ang 500,000 ay parating ngayong buwan.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., patuloy ang negosasyon at malalagdaan ang supply agreement ngayong linggo.

Tiniyak ng gobyerno na ang 20M doses ay mai-dedeliber sa loob ng 4 na buwan.

Nabigyan na ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang Sputnik V, na maaaring gamitin sa mga senior citizens kapalit ng AstraZeneca na naubusan na ng suplay, ayon kay Galvez.

“Pwede po siyang gamitin sa elderly, so from 18 and above. So ‘yun po ang gagamitin namin at ‘yun po ang maganda dahil at least in the absence of AstraZeneca, ‘yun po ang pwede namin pong gamitin,” ani Galvez.

“Considering na ang nakikita natin na maganda ang production ng Russia and at the same time, they are supporting only the developing countries,” dagdag niya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with