^
Duterte at Putin nag-usap sa telepono
Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Vladimirovich Putin dahil sa pangako na makikipagtulungan sa iba’t ibang larangan kabilang ang pagsugpo sa COVID-19 pandemic.
Presidential photo

Duterte at Putin nag-usap sa telepono

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng telesummit sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Vladimirovich Putin.

Sa statement na ini-labas ng Malacañang, muling nagkasundo ang dalawang lider na pag-ibayuhin pa ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa gitna nang paggunita ng ika-45 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ngayong taon.

Kapwa rin nangako ang dalawang lider na tutulong sa pagsugpo ng COVID-19.

Pinasalamatan ni Duterte si Putin dahil sa pangako na makikipagtulungan sa iba’t ibang larangan kabilang ang pagsugpo  sa COVID-19 pandemic.

Umorder na ang Pilipinas ng nasa 20 milyong doses ng Sputnik V ng Russia.

Kapwa naniniwala ang dalawang lider sa kahalagahan ng global production at supplies ng bakuna.

Muling inulit ni Duterte ang kanyang imbitasyon kay Putin na bumisita sa Pilipinas.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with