_ngayon
^

DFA ipinatawag ang Chinese envoy sa isyu ng vessels sa West Philippines Sea

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinahaharap na ng Department of Foreign Affairs  si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay ng pananatili ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Ipinarating din ni DFA acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso kay Amb. Xilian na ang natu-rang reef na inookupa ng mga barko ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang patuloy na presensya umano ng mga sasakyang pandagat ng China ay nagdudulot lamang ng tensyon sa rehiyon.

Iginiit din ni Buensuceso na ang usapin sa historic rights claims ng Beijing ay nabigyang linaw nang walang batayan sa UNCLOS.

Pinuna rin ng DFA   ang magaspang na pahayag ng Chinese Embassy spokesman laban kay Defense Sec. Delfin Lorenzana dahil sa pagpapaalis sa mga barko.

Sa huli, iginiit ng ahensya na kailangang lisanin ng China ang Julian Felipe Reef at iba pang maritime zones ng Pilipinas.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with