^
Lacson binira pag-'hide and seek' ni Duterte sa gitna ng health concerns
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-13 ng Abril, 2021
Presidential Photos/King Rodriguez

Lacson binira pag-'hide and seek' ni Duterte sa gitna ng health concerns

James Relativo (Philstar.com) - April 13, 2021 - 3:11pm

MANILA, Philippines — Hindi natuwa ang isang senador sa tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa kanyang mahigit isang linggong hindi pagpapakita sa publiko, bagay na pumaypay sa tsismis na may sakit o 'di kaya'y pumanaw na siya.

Gabi ng Lunes nang sabihin ni Duterte na "sinadya" niyang mawala nang ilang araw habang naglilipana ang haka-haka sa kanyang kalusugan. Nangyari ito habang dumarami ang coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa at may panibagong harassment ang Beijing sa West Philippine Sea.

"Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yon, ganoon ako eh. Pagka kinakalkal mo ako lalo akong — ‘yong parang bata. Pagka lalo mo akong kinakantyawan eh mas lalo akong gagana."

"Sinadya daw niya. Sana, huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala," ani Sen. Panfilo Lacson sa isang pahayag, Martes.

"That said, the health condition of any sitting president should be the concern of every Filipino. Even VP Leni Robredo had the moral decency to say that she was praying for him."

Matatandaang hindi sinipot ni Digong ang kanyang lingguhang "Talk to the Nation" Address noong ika-5 ng Abril dahil sa takot aniya sa COVID-19 matapos mahawaan ang ilan niyang security detail. Hindi na siya nagpakita sa publiko mula noon, maliban sa iilang litrato kasama si Sen. Christopher "Bong" Go — hanggang sa nagtalumpati siya kagabi.

Kaugnay ng kanyang absence, mahigit isang linggong trending sa social media ang hashtag ba #PatayNaBa habang hindi nagpapakita sa publiko ang presidente.

'65% ng Pinoy gustong isapubliko kalusugan ni Duterte'

Natataon ang pahayag ni Lacson matapos ilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang kanilang survey kahapon, kung saan mayorya ng Pilipino ang nagsasabing dapat isapubliko ang estado ng kalusugan ni Digong — ang pinakamatandang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.

"The Social Weather Stations (SWS) September 17-20, 2020 National Mobile Phone Survey found 65% saying 'President Duterte’s state of health is a public matter that is why the public should be informed of everything about this,' compared to 32% saying 'Pres. Duterte’s state of health is a private matter that is why the public does not need to be informed of everything about this,'" ayon sa SWS.

Mas mataas ng apat na puntos ang bagong pag-aaral kumpara sa 61% noong Disyembre 2019 at Setyembre 2018.

Roque: Healthy siya, parang bumata pa nga

Ipinagtanggol naman ni presidential spokesperson Harry Roque si Duterte kanina sa isang press briefing at sinabing patunay ang pagharap ni Digong kagabi sa "mahusay" na pangangatawan ng mayor-turned-president mula Davao City.

"Ang paglabas po ng ating pangulo [kagabi] ay patunay na ang punong ehekutibo ay nananatiling fit, healthy and not to mention mukhang bumata sa kanyang edad," ani Roque.

"Ang sabi po ng ating Saligang Batas, isasapubliko lamang ang kanyang medical condition kung ang kanyang karamdaman po ay malala... Kaya walang medical bulletin kasi wala naman pong sakit ang presidente."

Mayo 2020 nang ibasura ng Korte Suprema ang petisyong mag-oobliga sa gobyerno na isapubliko ang health bulletin ni Digong. Hiniling ito noon ng abogadong si Dino De Leon dahil sa una nang pagsabi ni Duterte na meron siyang Myasthenia Gravis, Buerger’s Disease, GERD at Barrett’s Esophagus.

COVID-19 HARRY ROQUE HEALTH RECORDS PANFILO LACSON RODRIGO DUTERTE SOCIAL WEATHER STATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with