^

Bansa

Duterte walang sakit ‘di kailangan ng medical bulletin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte walang sakit �di kailangan ng medical bulletin
Si Pangulong Rodrigo Duterte na pinangunahan ang meeting kagabi ng Inter-Agency Task Force matapos ang halos 2 linggong hindi pagpapakita sa publiko.

MANILA, Philippines — Pinanindigan kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte kaya walang dahilan upang maglabas ng medical bulletin ang Palasyo.

“Ang medical bulletin is only given when the President is sick; and he is not sick. Bakit hindi po siya nag-aanunsiyo?” ani Roque.

Inihayag ito ni Roque matapos matanong kung bakit siya pa ang nag-anunsiyo ng pinakahuling quarantine classifications gayong mayroon siyang sakit matapos tamaan muli ng COVID-19 at hindi ang Presidente.

Sinabi ni Roque na siya naman talaga ang nag-aanunsiyo ng mga classifications matapos aprubahan ng Pangulo.

“Mula po halos isang taon na nang ako’y bumalik talagang ako naman po nag-aanunsiyo niyan except lang kung iyong simula ng buwan coincides with the Talk to the People on a Monday. In which case, sinasabay po sa Talk to the People. Pero sa mula’t mula po, ako naman po iyon,” pagtatanggol ni Roque.

Sa batikos sa social media tungkol sa pagpapakita ng “proof of life” ng Pangulo pero walang “proof of work” sinabi ni Roque na walang ibang iniisip ang Pangulo kung hindi ang problema ng bayan.

Sinabi rin ni Roque na mayroong nagpapakita lamang kapag sila ay nagtatrabaho pero ang Pangulo aniya ay 24/7 na iniisip ang bayan.

“So may mga iba kasi nagpapakita lang ‘pag sila’y nagtatrabaho, iyong mga para lang mapakita purposes ‘no. Pero alam naman natin ang Presidente natin 24 hours, 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” ani Roque.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with