^

Bansa

Delay sa pagpunta sa ospital, kulang na hospital beds sanhi ng pagtaas ng COVID-19 deaths -- DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang De­part­ment of Health (DOH) na ang dahilan ng pagtaas ng mga namamatay sa COVID-19 ay kakulangan sa hospi­tal beds at ang hindi kaagad pagdadala sa os­pital ng pasyenteng may matinding sintomas na nararamdaman. 

“Nakikita naman natin talaga, based on our number of deaths for this past week, talagang tumataas ang mga numero ng mga namamatay,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Partikular aniya sa mga tinamaan ng virus na may malalang kondisyon at matatanda at ang iba naman ay pinaabot pa ng isa o dalawang linggo bago magtungo  sa ospital.

Marami na ang napaulat na bunsod ng punuan na emergency room at ‘di na kinakaya ng  COVID ward beds ang kapasidad na ma-accomodate ang dagsa ng mga pasyente kaya may mga namamatay bago pa magkaroon ng available na kama habang may mga pasyen­te na pinupuntahan na lamang sa loob ng sasakyan ng mga doktor.

Sa ngayon aniya, ang DOH ay nagdagdag na ng 3,000 ICU, isolation at ward beds sa mga ospital.

“By expanding the number of beds in our hospitals, specifically by expanding our ICU capacity, we will be able to manage and treat more severe and critical [cases] and therefore hopefully we lessen the number of deaths in the country specifically in NCR,” ani Vergeire.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with