^

Bansa

Public transpo, limitado pa rin sa APORs - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananatili pa ring limitado sa mga authorized persons outside of residence (APORs) ang mga pampublikong transportasyon sa NCR Plus areas, kahit pa isinailalim na ito ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa Department of Transportation.

“Tanging mga APOR lamang po ang papayagang sumakay sa mga pampublikong sasakyan,” abiso ng DOTr.

Inianunsiyo rin ng DOTr na simula ngayong araw, Abril 13, ay magbubukas pa sila ng 60 karagdagang ruta para sa public utility jeepneys (PUJs) sa National Capital Region (NCR) at 190 ruta pa para sa provincial public utility buses simula sa Abril 15. 

Tuluy-tuloy rin ang kanilang free rides sa mga health workers at medical frontliners, gayundin ang libreng sakay para sa mga APORs gamit ang jeepneys at buses na nag-o-operate sa ilalim ng service contracting program.

Tulad noong ECQ implementation na walang naganap na taas-pasahe kahit may reduced capaci­ty ang mga PUVs, tiniyak muli ng DOTr na wala ring magaganap na fare increase ngayong nasa MECQ na ang NCR Plus.

Kamakalawa ay inianunsiyo ng Malacañang na ang NCR Plus areas, na binubuo ng Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna ay isasailalim na sa MECQ mula Abril 12-30.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with