2 pang empleyado ng Kamara patay sa COVID-19
MANILA, Philippines — Dalawa pang empleyado ng Kamara ang namatay matapos na magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, isa rito ay isang lalaking empleyado na namatay noong nakalipas na linggo.
Pinakahuli ay isang babaeng empleyado na binawian naman ng buhay kamakalawa matapos ang dalawang linggong pa-kikipaglaban sa COVID.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Mendoza ay patuloy pa rin ang pagpapatupad ng paghihigpit saka limitasyon sa mga empleyado at maging sa mga mambabatas upang maiwasan na tumaas pa ang kaso ng COVID-19.
Sa ibinabang memorandum ni Mendoza, mananatili pa rin ang 2-3 days skeletal workforce sa ilang tanggapan mula Abril 12-28.
Inaasahang sa Mayo 3 pa magbabalik ang regular na working ope-rations sa Batasan Complex.
- Latest