^
Pag-aaral: Gamot vs hika 'napabibilis paggaling' ng non-hospitalized COVID-19 patients
Nagsi-screen para sa sakit na COVID-19 ang mga healthcare workers na ito sa loob ng tent na itinayo ng National Kidney and Transplant Institute sa Lungsod ng Quezon, ika-2 ng Abril, 2020
The STAR/Miguel de Guzman, File

Pag-aaral: Gamot vs hika 'napabibilis paggaling' ng non-hospitalized COVID-19 patients

James Relativo (Philstar.com) - April 13, 2021 - 10:55am

MANILA, Philippines — Habang hirap pa ring makarating sa braso ng mga Pilipino ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), isang gamot laban sa hika ang sinasabing nagpapabilis sa pagpapagaling ng kinatatakutang virus sa bahay, ayon sa isang pag-aaral abroad.

Kinilala ang gamot bilang "budesonide" sa bagong clinical trials na isinagawa sa United Kingdom, bagay na inilabas ngayong araw (Lunes sa ibayong dagat). Aniya, napaiiksi nito ng tatlong araw ang paggaling ng pasyenteng hindi hospitalized dahil sa COVID-19.

"For the first time we have high-quality evidence of an effective treatment that can be rolled out across the community for people who are at most risk of developing more severe illness from COVID-19," ani Richard Hobbs, propesor sa Oxford University na kasama sa mga nanguna sa trial, sa ulat ng Reuters.

"This is a significant milestone for this pandemic."

Sa kabila ng lahat ng ito, nasa paunang (interim) analysis pa lang ang finding nito, pagbabahagi ng research team na PRINCIPLE. Gaya ng ibang gamot pang-hika, ini-"inhale" ang nasabing medication.

Isinagawa ang PRINCIPLE trial sa 961 katao na randomly binigyan ng inhaled budesonide sa bahay kumpara sa 1819 pasyente na binigyan ng karaniwang NHS care. Sinasabing isinagawa ang pag-aaral sa mga nakatatanda.

Mabisa ba talaga?

Lumalabas sa interim analysis na kinasangkutan ng 751 katao sa budesonide group at 1,028 sa usual care group na COVID-19 positive na 3.011 araw na mas maiksi ang "median time" para sa self-reported recovery ng mga taong gumagamit ng budesonide.

"Researchers involved in the Principle trial have overcome considerable logistical hurdles to set up a world leading rigorous drug trial in people’s homes. We are now rewarded with the first inexpensive and widely available drug that can shorten recovery times for covid-19 patients in the community," ani Fiona Watt, executive chair ng Medical Research Council, sa ulat ng The BMJ.

Ilalabas ang kabuuang resulta oras na makumpleto ang follow-up at full analysis ng mga nalalabing trial participants. Una na ring lumabas sa non-peer-reviewed article ng medRxiv na kayang paiksiin ng budesonide ang recovery time ng mga pasyente, paliban sa "reduced likelihood" ng urgent medical care.

Magagamit ba sa Pilipinas?

Sa kabila nito, kinakailangan pa rin nitong ireseta ng mga doktor bago maibigay sa isang pasyente. Hindi pa rin ito rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas bilang lunas laban sa COVID-19.

"This is not a new drug. That is already registered and available in the Philippines. It is registered for use as anti-asthmatic," wika ni FDA director general Eric Domingo sa panayam ng Philstar.com.

"Doctors can prescribe a registered drug to their patients. They should explain the reason and effects of the drug to the patient."

Kinukuha pa ng Philstar.com ang pananaw ng FDA kung bukas ito sa pagsasagawa ng clinical trial ng budesonide sa Pilipinas ngunit hindi pa sumasagot sa tanong.

Una nang nabigyan ng compassionate special permit (CSP) ng FDA ang isang ospital sa paggamit ng Ivermectin bilang treatment laban sa COVID-19. Gayunpaman, wala pa itong certificate of product registration para gamitin laban sa virus kung kaya't hindi basta-basta maaaring ibenta sa publiko.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with