_ngayon
^
MECQ sa NCR Plus simula Abril 12-30
Ayon kay Presiden­tial Spokesperson Sec. Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag­lalagay sa MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula April 12 hanggang sa April 30.
STAR/Boy Santos, file

MECQ sa NCR Plus simula Abril 12-30

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mataas pa ring kaso ng COVID-19, ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang quarantine classification sa NCR plus.

Ayon kay Presiden­tial Spokesperson Sec. Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag­lalagay sa MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula April 12 hanggang sa April 30.

Kasama rin sa nasa MECQ ang Santiago City sa Isabela, lalawigan ng Quirino at Abra.

Nasa General Community Quarantine (GCQ) naman ang Cordillera Autonomous Region (CAR), Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at probinsya ng Quezon.

Ang nasabing qua-rantine classification ay tatagal hanggang sa katapusan ng Abril.

Ang ibang panig naman ng bansa ay nasa ila­lim ng Modified General Community Quarantine.

Pinagagamit na rin ng IATF ang Staysafe.Ph o ang national contact tracing system, para isa na lang ang gagamiting sistema sa contact tracing sa bansa sa pamama-gitan ng SMS messaging.

Niratipikahin din ang panukala ng Department of Tourism (DOT) para sa pagpapagawa ng libre at temporary public walk-in at drive thru vaccination center na gagawin sa mga bakanteng lupa sa Na-yong Pilipino Foundation property sa Parañaque City sa sandaling dumating na ang mga bakunang inorder ng gobyerno ngayong Abril at Mayo.

Related video:

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with