^

Bansa

Pandemya parang 1-taong super typhoon Yolanda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pandemya parang 1-taong super typhoon Yolanda
Ayon kay Aileen Espina, miyembro ng Health­care Professionals Alliance Against COVID-19 at national director ng Philippine Academy of Family Physicians sa panayam ng ABSCBN kahapon, hindi pa handa ang healthcare system na pa­luwagin ang quarantine level sa National Capital Region (NCR) Plus.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Ikinumpara ng isang doktor ang COVID pandemic sa isang taong paghagupit ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay Aileen Espina, miyembro ng Health­care Professionals Alliance Against COVID-19 at national director ng Philippine Academy of Family Physicians sa panayam ng ABSCBN kahapon, hindi pa handa ang healthcare system na pa­luwagin ang quarantine level sa National Capital Region (NCR) Plus.

Dapat aniyang igaya  rin sa naging pagtugon sa super typhoon ang ak- syon laban sa COVID-19.

“It’s not a question of kakayanin, kahit naman ‘yung nakaraang 2 linggo, we were nearing collapse of our healthcare system. Para na itong naging Yolanda sa tindi. This is beyond the capacity of healthcare system to respond to the current situation,” ani Espina.

“At least ‘yung Yolanda noon sa’min sa Tacloban after 5 hours tapos na siya, ito 1 taon na paulit-ulit na...bababa ‘yung kaso, magre-relax tayo hindi natin ina­ayos ‘yung root cause ng pagdami ng kaso.”

“The country’s contact tracing applications are like an “archipelago,” aniya pa.

Panawagan ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na magkaroon ang gobyerno ng pangmatagalang solus-yon tulad ng coordinated digital contact tracing.

Kung mas maagang matutukoy ang mga kaso at ma-isolate kaagad at naidentify ang close contacts at ma-quarantine rin kaagad ay hindi na magkakaroon pa ng mas maraming hawaan.

Gayundin ang naging pahayag ni PGH spokesperson Jonas del Rosario na hindi na kaya ng kapasidad ng healthcare system ng bansa ang lalo pang lumalalang kaso ng COVID-19 kung luluwagan ang quarantine level.

Gayunman, kahapon ay ibinaba na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa ECQ ang NCR Plus. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with